Ipinaalala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na “Pilipinas” ang dapat gamitin sa pagbaybay sa pangalan ng bansa, hindi “Filipinas.”
Ayon kay KWF Commissioner Arthur Casanova, ang paggamit ng titik “P” sa Pilipinas ay napagkasunduan sa ginawang pulong ng mga opisyal ng komisyon.
Bukod sa pangalan ng bansa, dapat ding gamitin ang letrang “P” sa pagbaybay ng salitang “Pilipino” na tumutukoy sa mamamayan at kuluran ng Pilipinas.
Maaari namang gamitin ang “F” sa salitang “Filipino” kung tumutukoy ito sa wika o lingwahe ng bansa.
Pwede rin ang letrang “F” sa Filipino kung gagamitin ito sa wikang Ingles para sa pagtukoy sa mamamayan o lingwahe.
Ang “Pilipinas” ay ibinayat sa Abakada, ang lumang alpabeto ng bansa.
Facebook Comments