*Cauayan City, Isabela* – Patuloy pa rin ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Cauayan sa pag-iikot sa buong lungsod upang makita ang pagsagawa ng mga Cauayeños sa iniimplimintang ordinansa ng Lungsod hinggil sa kalinisan.
Sa ginawang live interview ng RMN Cauayan kay Engr. Alejo Lamsen, ang pinuno ng CENRO ay sinabi nito na patuloy ang kanilang tanggapan sa pagpapatupad sa ordinansa hinggil sa tamang paghihiwalay at pagtatapon ng mga basura.
Aniya, dapat maitapon sa tamang lalagyan ang mga basurang nabubulok, di-nabubulok at recycable o special waste.
Samantala, isa rin sa kanilang tinututukan ngayon ay ang pagsusuri sa mga ginagamit na plastik selophane ng mga tindahan o nagbebenta kung ito ay may tatak na bio-degradable.
Inihayag ni Lamsen na mas mainam umano na gumamit ng mga bio-degradable na plastic upang makaiwas sa paggamit ng mga hindi nabubulok na basura.