Pinapakilos ni Senator Nancy Binay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Health (DOH) gayundin ang mga Local Government Units (LGUs).
Ito ay para magsagawa ng information and educational campaign at maglatag ng comprehensive medical waste management plan.
Kaugnay ito sa pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng 116 COVID-19 test kits para sa antibody, RT-PCR, at antigen tests.
Natutuwa si Binay na pwede nang mag-test sa bahay pero dapat matiyak na maitatapon sa tamang paraan ang mga gamit na COVID testing kits dahil delikado ito sa kalusugan at makakasama sa kalikasan.
Nababahala si Binay na magdudulot ng panganib sa sariling tahanan at sa mga kapitbahay kung mali ang paraan ng pagtatapon ng mga ginamit na COVID testing kits.
Inihalimbawa ni Binay ang nangyari sa Catanduanes province kung saan nahawa ng COVID-19 ang pitong bata mula sa mga medical waste na hindi naitapon ng tama.