Tamang pagtatapon sa mga expired na COVID-19 vaccines, iginiit ng isang senador

Pinahahanap ng paraan ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) ng paraan kung paano maitatapon ng maayos ang milyon-milyong COVID-19 vaccines na na-expire.

Sa pagdinig ng Senado, ipinunto ni Tolentino na may dalang panganib sa kapaligiran, sa kalusugan at kaligtasan ng publiko ang hindi wastong disposal o pagtatapon sa mga nasayang na bakuna.

Tanong ni Tolentino sa DOH kung napag-uusapan ba kung sa paanong paraan itatapon ang mga expired na bakuna, kung ito ba ay susunugin, ibabaon sa lupa o itatapon ba sa Pacific Ocean.


Nababahala ang senador sa malaking panganib na posibleng idulot ng hindi tamang disposal ng mga na-expire na COVID-19 vaccines lalo pa’t ang ilang uri ng bakuna ay “protein based” o nagtataglay ng inactivated virus.

Sinabi naman ni dating National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer Vince Dizon na mayroong pasilidad sa loob ng New Clark City sa Tarlac ang gagamiting site para sa disposal ng mga hindi nagamit na expired na bakuna.

Hindi naman kumbinsido si Tolentino sa napiling lokasyon para sa disposal site lalo pa’t malapit lang sa Athlete’s Village kung saan nagsasanay ating mga atleta para sa mga sasalihang local at international sports tournaments.

Facebook Comments