TAMANG SAHOD | Holiday pay rules para sa Eid’l Fitr, inilabas ng DOLE

Manila, Philippines – Pinaaalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pribadong sektor sa tamang pagbibigay ng sahod sa mga manggagawang papasok sa June 15, Eid’l Fitr, isang regular holiday.

Sa ilalim ng Labor Advisory No. 9, itinatakda sa holiday pay rules ang sumusunod:

– Babayaran ang 100% ng sahod ng manggagawa kapag hindi ito pumasok
– 200% sa unang walong oras ng trabaho ang ibabayad sa empleyadong pumasok at dagdag na 30% na bawat oras kapag humigit pa sa regular working hours
– Kapag pumasok ang empleyado at natapat pang rest day o day off, babayaran siya ng dagdag 30% sa kanyang 200% na sahod habang may dagdag pang 30% hourly rate kapag nag-overtime.


Facebook Comments