Tamang “timing” para sa Cha-Cha, iginiit ni Speaker Alan Peter Cayetano

Ipinakukunsidera ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang tamang “timing” para sa isinusulong na Charter Change (Cha-Cha).

Mababatid na nito lamang nakaraang linggo ay inendorso ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ang dagdag na reporma para palakasin ang mga local government.

Ayon kay Cayetano, wala namang duda na kailangan nang amyendahan ang konstitusyon ngunit mahalagang maisaalang-alang ang “timing” na isusulong ito.


Paliwanag ni Cayetano, mahirap magsagawa ng plebesito sa gitna ng global health crisis dahil sa COVID-19 pandemic.

Interesado pa rin naman aniya ang Kongreso sa usapin ng Cha-Cha at tiniyak na maisusulong ito lalo na kung mismong ang mamamayan na ang nagtutulak ng constitutional amendments.

Kaugnay naman sa pagpapalakas at pagbibigay kapangyarihan sa mga local government, tiniyak ni Cayetano na kahit hindi pa magkaroon ng federalismo ay tinatrabaho na ng mga komite sa Kamara ang mga amyenda sa Local Government Code.

Facebook Comments