TAMANG WASTE SEGREGATION, IGINIIT SA BAWAT KABAHAYAN SA LINGAYEN

Muling iginiit ang mahigpit na pagsunod sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura, na dapat simulan sa bawat kabahayan sa Lingayen, bilang isang nagkakaisang hakbang para sa pangangalaga ng kalikasan.

Mula sa tamang paglalagay ng mga nabubulok o biodegradable sa mga backyard compost pit bilang pataba, pagbebenta ng mga recyclable na materyales sa junkshop upang mabawasan ang mga basurang itinatapon hanggang sa paghihiwalay ng mga residual at special wastes na kokolektahin patungong Central Materials Recovery Facility (MRF) sa Barangay Quibaol.

Pakiusap din ng MENRO na ihiwalay na ang mga diaper at sanitary napkin bago dalhin sa recovery facility dahil bawal ibaon ang mga ito sa lupa.

Ipinagbabawal din ang pagsusunog ng basura at ang pagtatapon ng basura sa mga bakanteng lote, alinsunod sa layunin ng lokal na pamahalaan na mapanatiling malinis at ligtas ang kapaligiran.

Sa huli, nananawagan ang pamahalaan sa mga residente na makiisa sa kampanya bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para sa mas maayos at mas malinis na kapaligiran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments