Tambak at sinunog na mga basura ang nadatnan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa daanang bahagi ng Sinucalan River sa Barangay Leet, Sta. Barbara.
Tulong-tulong ang mga opisyal mula sa MENRO kasama ang ilang barangay officials sa paglilinis. Sa tulong ng backhoe, hinakot at tuluyang inalis ang mga nakatambak na basura malapit sa naturang ilog.
Binigyang diin ng tanggapan, na layuning mapanatili ang kalinisan sa buong bayan at maging matiyak ang kaayusan at kalusugan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments