MANILA -Iginiit ng tambalang Duterte at Cayetano na ang talamak na korapsyon sa gobyerno ang nakakahadlang sa pagkakaroon ng magandang health services para sa mga Pilipino.Ayon kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, dahil sa gulong dulot ng korapsyon, pati ang mga serbisyong pangkalusugan ng mahihirap ay naisasantabi na ng gobyerno.Aniya, hindi na ito makatarungan at kailangan na ng tunay na pagbabago.Sa pag-iikot ng tambalan sa Novaliches, Quezon City bilang bahagi ng kanilang “Ronda-Serye”, nalaman nila ang mga hinaing ng mga tricycle drivers kung saan idinulog ng mga ito ang kawalan nila ng health benefits.Dahil dito, nangako sina Duterte at Cayetano na kapag naupo sila sa pwesto ay titiyakin nila ang 100 percent na coverage ng mga mahihirap sa Philhealth (Philippine Health Insurance Corporation).Bukod dito, tataasan din nila ang pondo sa Philhealth para masuportahan ang premium ng mga transport workers sa bansa.
Tambalang Duterte-Cayetano, Bibigyan Ng 100 Percent Philhealth Coverage Ang Mga Mahihirap Na Pilipino
Facebook Comments