Tiwala ang Malacañang na posible ang tambalan ng mag-amang Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio para sa 2022 election.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, “Anything is possible. Nothing is impossible” para sa tambalan ng mag-ama.
Nabatid na kapwa nagpahayag ang mga ito na pinag-iisipan nilang mabuti ang pagtakbo sa 2022 elections.
Kaya dahil dito, sinabi ni Roque na asahan na ng publiko ang posibilidad na tambalang Duterte-Duterte na sasabak sa halalan sa susunod na taon.
Matatandaang una nang kapwa hayagang tumanggi sina Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente at Mayor Sara sa pagka-pangulo subalit dahil na rin sa malakas na panawagan mula sa iba’t ibang sektor at partido ay pinag-aralan ng mag-ama ang bagay na ito.