Tambalang DY at Padaca, Umarangkada na!

Isabela – Pormal nang tinuldukan ni dating Gobernador Grace Padaca at Congressman Napoleon Dy ng Ikatlong Distrito ng Isabela ang haka-haka ng ilang opisyal na kailanman ay hindi magsasama sa halalan 2019 ang dalawang mahigpit na magkaaway sa larangan ng pulitika dito sa Lalawigan ng Isabela.

Ito’y matapos na maghain ng Cerficate of Candidacy (COC) si dating Gobernador Grace Padaca sa posisyong bise gobernador sa ilalim ni Congressman Pol Dy na kakandidato sa pagka-gobernador ng Isabela.

Sa isinagawang Press Conference kaninang tanghali pagkatapos na maghain ng COC si Padaca bilang bise Gobernador ay kanyang inisa-isa ang mga dahilan kung bakit pumayag ito na makasama sa isang partido ang kanyang itinuturing na mortal na kaaway noong siya pa ang Gobernador ng Isabela.


Ayon kay Padaca dahil sa kagustuhan nitong matigil ang umano’y matinding korapsyon na nangyayari sa lalawigan sa pamumuno ni Governor Bojie Dy ang pangunahing dahilan kung bakit siya pumayag na maka-tandem si Pol Dy na nakakatandang kapatid ng kasalukuyang gobernador ng Isabela at tumatayong matinding kritiko ngayon ng kanyang administrasyon dahil sa korapsyon.

Ayon naman kay Cong. Pol Dy, dapat na umanong matigil ang pagsasamantala ng kanyang kapatid sa pondo ng taong bayan at handa itong ipakulong ang kanyang kapatid dahil sa korapsyon.

Magugunita na una ng naghain ng COC si Cong PoL Dy sa pagka-Gobernador sa ilalim ng partidong Nationalist Peoples Coalition at si dating Grace Padaca na kakandidato naman bilang Bise-Gobernador sa ilalim ng Partidong Aksyon Demokratiko.

Facebook Comments