Tambalang Lacson-Sotto, hindi mapipigilan ang pag-iikot sa Mindanao kahit walang suporta sa Partido Reporma

Naniniwala sina presidential acandidate at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at vice presidential candidate at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na napakarami ang nagsasabing gusto nila si Senator Lacson dahil siya lamang ang pinaka-qualified at pinaka-competent pero karamihan ay nagsasabi na baka lamang umano masayang ang kanilang boto at hindi siya mananalo.

Ang naturang pananaw ng mga botante ang nais maiwasto ng Lacson-Sotto.

Tutungo ang ang dalawang kandidato bukas ng umaga sa Zamboanga Kalawit, Zamboanga Norte at sa hapon naman ay tatlong bayan sa Olutanga Island, Zamboanga Sibugay ang kanilang pupuntahan upang ipabatid sa taumbayan ang kanilang mga programa at plataporma.


Sa March 31 ay tutungo ang dalawa sa Pagadian City upang magsagawa ng sectoral meeting sa lahat ng kanilang mga supporter na lider at sa April 1 ay magtutungo sa Jolo, Sulu para magsagawa rin ng sectoral meeting at pagkatapos ay lilipad patungong Tawi-tawi at kinabukasan April 2-3 ay magtutungo sa Cebu at April 4 sa Romblon.

Binigyang-diin ng tambalan na hindi sila mapipigilan na magtungo sa Mindanao kahit walang tulong mula kay dating House Speaker Alvarez dahil hindi naman nila naramdaman ang suporta nito bagkus ang kanilang naramdaman ang mainit na suporta sa lahat ng mga lalawigan na kanilang pinupuntahan.

Facebook Comments