Tambalang Lacson-Sotto, pina-iimbestigahan ang nangyaring sigalot sa West Philippine Sea

Iginiit ni Partido Reporma Chairman at Standard-Bearer Panfilo “Ping” Lacson at ng kanyang running-mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dapat imbestigahan ng gobyerno ang nangyayaring sigalot sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pagkondena nina Lacson at Sotto sa insidente ng pagharang at pambobomba ng Chinese Coast Guard sa dalawang Philippine supply boat sa Ayungin Shoal.

Matatandaang nagpadala ng ‘letter of protest’ sa Chinese Foreign Ministry sa Beijing ang Department of Foreign Affairs (DFA) para kondenahin ang naging aksyon ng Chinese Coast Guard.


Ngunit giit ni Lacson, hindi sila kumbinsido sa diplomatic protest lamang ang naging aksyon ng DFA dahil tinataboy tayo sa sarili nating teritoryo.

Dahil dito, nais ng tambalang Lacson-Sotto na magkaroon ng bilateral agreement at “balance of power” kung saan makipag-alyansa ang Pilipinas sa mga malalakas na bansa.

Sa pamamagitan nito, magiging ligtas ang ating bansa laban sa banta ng pangha-haras ng China.

Samantala, kinontra naman ng Foreign Ministry Spokesperson ng China na si Zhao Lijian ang ipinadalang “letter of protest” ng DFA.

Aniya, ang dalawang barko ng Pilipinas ang nagkamali dahil wala silang pahintulot na pumasok sa nasabing lugar.

Facebook Comments