Mga kursong kabilang sa limited face-to-face classes, posibleng madagdagan pa

68

Target ng Commission on Higher Education (CHED) na dagdagan pa ang mga kurso sa ilalim ng ipinapatupad na limited face-to-face classes.

Ayon kay CHED Chairman Prosperso de Vera III, kabilang dito ang engineering, maritime at information technology courses.


Aniya, hihingin nila ang approval ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang proposal dahil ang mga nasabing kurso ay nangangailangan ng hands-on experience.

Kaugnay nito, inihahanda na rin ng ahensya ang mga polisiya para sa ligtas na pagpapatupad ng limited face-to-face classes.

Matatandaang ilang unibersidad na sa bansa ay nagsimula na ng kanilang limited face-to-face classes.

Facebook Comments