Tambalang Lacson-Sotto, tiwalang dadalhin ng mga Ilonggo sa Mayo sa eleksyon

Malaki ang tiwala nina presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson at running mate nito na si Senate President Vicente Tito Sotto III na bibitbitin sila ng mga Ilonggo sa darating na May 2022 National Election.

Ayon kay Senador Lacson, napaka-init umano ang pagtanggap sa Lacson-Sotto tandem lalong -lalo na ang alkalde ng Sta. Barbara kung saan ganito rin ang pananaw ni Sotto na maganda ang kanilang tsansa na manalo sila sa darating na eleksyon sa Iloilo.

Paliwanag ni Sotto, marami silang kaibigan, kamag-anak at mga taga-supora sa Iloilo kaya’t tiwala silang mapasama ang kanilang mga pangalan sa balota sa darating na halalan.


Binigyang diin pa ni Lacson na hindi sila nakasalalay sa mga endorsement ng mga alkalde ng mga probinsiyang kanilang pinupuntahan pero kapag nailatag na nila ang kanilang mga plataporma gaya ng BRAVE ay unti-unting nagbabago ang mga pananaw ng mga alkalde ng kanilang mga binibisitang probinsiya.

Facebook Comments