Kasado na ang mga isasagawa ng tambalang Lacson-Sotto ng Courtesy call kay Mayor Climaco, sa Zamboanga City pagkatapos ay magsasagawa ng town hall meeting sa Southern City Colleges pagkatapos ay magsasagawa naman ng presscon at ala-1:00 ng hapon ay babiyahe naman patungong Ipil, Zambo, Sibugay at alas-3:30 ng hapon ay magsagawa ng town hall meeting upang makinig sa mga problema at hinaing ng mga residente, susundan ng dinner kasama ang Zamboanga Chamber of commerce at mga supporters at alas-6:30 ng gabi magta-travel pabalik sa Zamboanga City.
Ayon kay presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson, kinukabusan Huwebes ay magtutungo sila ng kaniyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay Mayor Salvador Antojado Jr. ng Kalawit, Zamboanga del Norte upang magsagawa ng courtesy call, susundan ng consultation meeting ng iba’t ibang mga lider at muling magsagawa ng courtesy call kay Mayor Katrina Cainglet-Balladares ng Kabasalan, Zambo, Sibugay at alas-2:30 ng hapon magsagawa ng town hall meeting at alas-4:00 ng hapon tutulak naman sa Pagadian City.
Paliwanag pa ng tambalang Lacson-Sotto na sa Biyernes naman ay magtutungo ang tambalang Lacson-Sotto sa Iligan City, Marawi City, at Cotabato City at ala-1:00 ng hapon ay magsasagawa ng presscon tungo sa Signing of the Manifesto of support para kay Senador Ping Lacson.
Dagdag pa ng Lacson-Sotto tandem na mahalaga ang kanilang pagsasagawa ng direktang pakikipag-ugnayan sa tao upang mabatid ang kanilang tunay na problema at agad mabigyan ng kaukulang solusyon.
Ilalatag din ng tambalang Lacson-Sotto ang kanilang programa at plataporma sa Cebu City na nakasentro sa pangangailangan ng Local Government Unit kung saan ay ibababa nila ang National government patungo sa mga barangay upang maramdaman nila ang tunay na kalinga ng gobyerno sa kanilang mga pangangailangan.