Posibleng mabuo para sa 2022 national elections ang tambalan nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay matapos aminin ni Marcos na handa siyang sumama kay Pangulong Duterte sakaling imbitahan siya nito para sa darating ng eleksiyon.
Ayon kay Anakalusugan Party-list Rep. Michael Defensor, may mga grupong gumagawa na ng mga hakbang para plantsahin ang pagsasama ng dalawa bilang magka-running mate.
Una ng tinanggap ng Pangulo ang nominasyon ng PDP-Laban Cusi wing bilang kandidato sa pagka-bise presidente, habang si Marcos ay tinanggap na rin ang nominasyon ng Philippine Federal Party bilang kandidato sa pagka-Presidente.
Sa kabila nito, hinikayat naman ni Defensor ang publiko na hintayin na lamang ang opisyal na anunsiyo nina Pangulong Duterte at dating Senator Marcos.