Tanauan City Mayor Antonio Halili, itinanggi ang akusasyon na isa siyang narco-politician

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Tanauan City Mayor Antonio Halili ang akusasyon sa kanya na isinumiteng Intelligence report sa Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ginanap na forum sa Manila Bay, hinamon din ng alkade ang agent na naglabas ng impormasyon na maglabas ng mga ebidensya na magkakilala sila ng personal ni San Rafael, Bulacan Mayor Goto Violago na inuugnay din sa iligal na droga na bibigyan niya ito ng isang milyong piso at magbibitiw pa aniya ito bilang alkalde kung mapatuyan lamang umano nito ang kanyang akusasyon.

Giit ni Halili, kailanman hindi niya kilala si Mayor Violago at hindi pa sila nag-uusap o nagkita kaya nagtataka siya kung saan galing ang naturang Intel report na lumabas na sangkot siya sa iligal na droga.


Ayaw din aniya nitong mag-akusa kung sino ang nasa likod ng pagdawit sa kanya sa Narco Politics dahil alam nito na sinsero umano siya sa kanyang paglaban sa iligal na droga sa kanyang nasasakupan.

Matatandaan na si Mayor Halili ang nagsagawa ng walk of shame o pinapahiya at iniikot ang mga nahuhuling sangkot sa iligal na droga sa Bayan ng Tanauan, Batangas na kinuwestyon naman ng Commission on Human Rights ang pamamaraan ng alkalde.

Facebook Comments