Tandang Sora flyover, sarado na

63

Sarado na sa mga motorista ang Tandang Sora flyover sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Alas-onse kagabi nang isara ang nasabing kalsada para bigyang-daan ang konstruksyon ng MRT-7.

At dahil gigibain ang flyover, hindi na rin madaraanan ng mga sasakyan ang intersection sa ilalim nito.

Tiniyak naman ng MMDA na sapat ang idedeploy nilang traffic enforcers sa lugar kaugnay ng inaasahang pagbibigat ng daloy ng trapiko.
Posibleng tumagal nang dalawang taon ang konstruksyon ng MRT-7 Tandang Sora Station.

Facebook Comments