Maine Mendoza – inaming nagde-date sila ni Arjo Atayde

259

Inamin na ni Maine Mendoza na nagde-date sila ni Arjo Atayde.

Ginawa ng phenomenal star ang pag-amin sa kanyang blog noong gabi ng sabado, bago ang kanyang birthday.

Pero kaninang umaga, hindi na ma-access ang blog ni Maine.

Gayunman, ayon sa entertainment portal na pep.ph, sinabi ni Maine na totoong dine-date niya si Arjo at hindi niya maitatanggi na lumalalim ang friendship nila sa paglipas ng mga oras.

Katunayan, na-meet na raw ni Arjo ang pamilya ni Maine at ang aktor ang kauna-unahang lalaking pinakilala niya sa kanyang mga magulang.

Samantala, Enero nang unang umamin si Arjo na exclusively dating sila ng aktres.

Sinundan na ito ng mga sweet at wacky photos ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts.
Happiest birthday, Maine!

Facebook Comments