TANGGAP NA | Justice de Castro, tinanggap na rin ang nominasyon sa pagka-punong mahistrado

Manila, Philippines – Umaabot na sa apat ang most senior justices ng Korte Suprema ang pormal na tinanggap ang kanilang nominasyon sa Chief Justice post.

Ngayong hapon ay tinanggap na rin ni Associate Justice Teresita de Castro ang automatic nomination sa kanya sa pagka-punong mahistrado

Una nang tinanggap nina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Andres Reyes Jr. ang nominasyon sa kanila.


Noong Martes naman ay pormal na nag-decline sa nominasyon si Acting Chief Justice Antonio Carpio

Ngayong araw ang huling araw ng pagpa file ng aplikasyon sa chief justice post at ngayong araw din ang huling araw ng paghahain ng kumpletong requirements ng mga aplikante at nominado.

Facebook Comments