WALANG BAGO | PDP-Laban, hindi pipigilan ang mga miyembro na lumipat sa regional party na Hugpong ng Pagbabago

Manila, Philippines – Hindi na ito bago!

Ito ang tugon ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa ilang mga miyembro nilang lumipat at nagbabalak pa lang na mag-ober da bakod sa bagong regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Senator Koko Pimentel, pangulo ng PDP-Laban, wala siyang nakikitang problema sa paglipat ng ilan nilang miyembro na walang loyalty sa partido.


Ayon kay Pimentel, hindi nila pipigilan at malaya ang kanilang miyembro na lumipat ng partido.

Aniya, nakita na nila ang ganitong senaryo dahil dumaan na partido sa ganitong pagsubok.

Sa kabila nito, nananatili anyang matatag ang PDP-Laban.

Facebook Comments