Sinalakay rin ng PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang opisina nang iba pang mga naglipanang Investment Scam.
Ayon kay Police Major General Amador Corpus, Director ng PNP CIDG, apat na investment companies ang sinalakay ng kanilang mga tauhan.
Ito ay ang Organico, Regin E, Ada Farm at Ever Arm
Karamihan ng mga ito ay nasa Mindanao ang operasyon katulad ng KAPA Community Ministry International.
Matatandaang unan nang pumutok ang balita tungkol sa investment Scam ng KAPA pero nang salakayin nila ang mga opisina ng mga ito ay wala na silang inabutan sa halip mga dokumento na lamang ang kanilang nasamsam.
Sinabi ni Corpus na sa ngayon ipinaubaya na nila sa National Bureau of Investigation ang pag-iimbestiga sa KAPA, habang sila ay sa iba pang mga Investment Scam Companies.