Tanggapan ng DA-RFO2 at Piling Research at Experiment Stations, naka-lockdown

Cauayan City, Isabela- Pansamantalang sasailalim sa isang linggong lockdown simula ngayong araw hanggang October 16 ang Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) gayundin ang ilang piling research center at experiment stations partikular sa bayan ng Abulug sa Cagayan at Gamu sa Isabela.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo, ito ay makaraang unang magpositibo ang isang driver ng ahensya na tubong City of Ilagan at pinaniniwalaang nakasalamuha nito ang kanyang asawang OFW.

Aniya, nasa maayos naman na kondisyon driver at 2 iba pang empleyado  na nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).


Sinabi pa ng opisyal na tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang tanggapan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao habang pinakiusapan nito ang ialn pang tanggapan ng DA na magkaroon ng transaksyon sa pamamagitan ng pagpapadala sa email, pagtawag sa telepono o kaya naman ay magpadala ng test message.

Binigyang-diin pa ni Edillo na higit na mahihirapan ang mga magsasaka kung tuluyang hindi magkakaroon ng transaksyon sa ahensaya.

 

Makipag-ugnayan lamang sa DA-RFO 02 para sa iba pang bagay at maaaring makontak sa 078-844-1031 at ang email address nito ay ored.rfo2@da.gov.ph.

Facebook Comments