Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, naglaan ng mahigit 5 milyong piso para sa extraction kits para sa COVID-19 testing

Namahagi ang Office of Vice President Leni Robredo ng assistance para sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), kabilang ang extraction kits na lubhang kailangan sa pagsasagawa ng testing para sa COVID-19.

Ang tanggagapan ng Pangalawang Pangulo ay naglaan ng ₱5.3 million para sa naturang kits, na magagamit sa pagproseso sa pagsasagawa ng kabuuang 12,750 tests.

Kabilang sa mga pagamutan na magsasagawa ng testing ay ang Lung Center of the Philippines, San Lazaro Hospital, UP-National Institutes of Health, Baguio General Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City, at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.


Maliban sa testing kits, namahagi rin si VP Leni ng personal protective equipment sets para sa mga frontliners sa RITM.

Facebook Comments