Tanggapan ng POEA, isasara bukas para isailalim sa disinfection

Nag-abiso na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko na isasara bukas ang lahat ng tanggapan nito sa Blas F. Ople Building sa Ortigas, Mandaluyong City.

Ito’y upang bigyang daan ang gagawing regular na sanitation at disinfection sa buong paligid bilang preventive measures laban sa COVID-19.

Lahat ng kliyente ng POEA na may nauna nang appointment o schedule sa nabanggit na petsa ay una pa ring maaasikaso kapag nanumbalik na ang serbisyo sa March 16.


Humingi ng pang-unawa at kooperasyon ang ahensiya habang tinitiyak nito na magiging ligtas ang mga tanggapan mula sa virus.

Facebook Comments