Oras ng paggamit ng zipper lane sa Commonwealth Avenue, iiklian na ayon sa QC-LGU

Inihayag ng Quezon City Government na simula bukas ay iiklian na ang oras ng paggamit ng zipper lane sa Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon.

Kung dati ay dinadaanan ito mula alas-6:00 hanggang alas-11:00 ng umaga, ngayon ay hanggang alas-9:00 na lang ng umaga.

Ipatutupad ito ng pamahalaang lungsod dahil gumaan na ang daloy ng trapiko mula Luzon Avenue hanggang North Avenue simula nang buksan ang mga lane sa Quezon Memorial Circle-Elliptical Road.


Sa abiso ng Local Government Unit ng Quezon City, lahat ng mga traffic enforcers at equipment ay ililipat na sa ibang lugar na matrapik kasama ang Quezon Avenue mula Elliptical Road hanggang Examiner Street.

Naging matrapik na ang lugar na ito mula ng buksan ang Elliptical Road-North Avenue.

Facebook Comments