Tanggapan ng Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects, hiniling ng kamara na ihiwalay na sa BCDA

Isinusulong ng Kamara na ma-institutionalize ang opisina ng Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects ng gobyerno na hiwalay na sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Ito ay para magkaroon na ng sariling pondo ang tanggapan at mapabilis ang mga flagship projects ng Duterte administration.

Iminungkahi nila Northern Samar Representative Paul Daza at Pampanga Representative Aurelio Gonzales na gawin nang permanenteng opisina ang flagship programs and projects dahil bukod sa walang sariling resources ay nakikihati lamang din ito sa budget ng BCDA.


Kung may hiwalay na tanggapan ay matitiyak na kahit pa magpalit na ng adminsitrasyon ay magpapatuloy pa rin ang mga inilatag na infrastructure projects ng kasalukuyang gobyerno.

Sa ngayong mayroong 100 flagship o legacy projects ang Duterte administration kung saan 44 sa mga ito ay inaasahang makukumpleto lagpas sa 2022 o sa pagtatapos ng termino ng pangulong Duterte.

Hiniling naman ni Secretary Vince Dizon na isama ng Kamara sa 2021 national budget ang kanyang nasabing opisina.

Facebook Comments