TANGING PILIPINONG NAGTAPOS SA PRESTIHIYOSONG MIT SLOAN MBA PROGRAM, ISANG BINMALENAN

Nagdala ng karangalan ang isang Binmaleñian matapos makapagtapos sa isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad sa buong mundo.

Si Melissa Camille Zarate Domingo, tubong Luna Street, Barangay Poblacion, Binmaley, Pangasinan, ang nag-iisang Pilipinong nagtapos sa MIT Sloan Fellows MBA Class of 2025 ng Massachusetts Institute of Technology (MIT) sa Estados Unidos.

Bukod sa kanyang tagumpay sa MIT, dala rin ni Domingo ang matitibay na akademikong kredensyal. Siya ay cum laude sa kursong BS Business Administration and Accountancy mula sa University of the Philippines. Isa rin siyang Certified Public Accountant (CPA) na may board rating na 86 porsyento.

Hindi lamang sa bansa kinilala ang kanyang galing. Isa rin siya sa Top 50 highest scorers sa buong mundo sa Certified Internal Auditor (CIA) Exam ng IIA International na nakabase sa Florida, USA.

Itinuturing na inspirasyon si Domingo, lalo na sa kabataang Binmalenian, dahil sa kanyang pagsusumikap, tiyaga, at paniniwala sa sariling kakayahan.

Mula sa isang maliit na barangay, naabot niya ang pandaigdigang tagumpay kung saan patunay na ang determinasyon at pangarap ay maaaring humantong sa pinakamataas na antas ng tagumpay.

Ang kanyang kwento ay hindi lamang tagumpay ng isang indibidwal kundi tagumpay rin ng buong bayan na kanyang pinagmulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments