Tangkang destabilisasyon, hindi ikinatatakot ni Pangulong Duterte

Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ulat na binabawi ng militar ang kanilang suporta dahil sa pananahimik nito sa isyu sa West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos maging usap-usapan ang isang Viber group na binubuo ng halos 500 miyembro ng aktibo at retiradong military officials na nagpaplanong bawiin ang kanilang suporta sa Commander-in-Chief.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ikinatatakot ni Pangulong Duterte ang mga ulat na itinuturing niyang “kwento kutsero” lamang.


Kung sa tingin ng militar ay hindi na nagagampanan ng Pangulo ang kanyang tungkulin ay malaya nilang patalsikin siya sa kanyang pwesto.

Gayumpaman, ang militar ay nananatiling tapat sa bansa at dapat nakatuon ang lahat sa pandemya at hindi sa pulitika.

Facebook Comments