Tangkang pag-atake sa isang mosque sa Paris, France – napigilan ng mga otoridad

143

France – Napigilan ng mga otoridad ang tangkang pag-atake ng isang lalaki sa isang mosque sa Paris, France.

Ayon sa ulat – sakay ng kanyang sasakyan ay binalak ng lalaki na araruhin ang mga tao sa harap ng mosque, pero napigil ito ng mga concrete barrier na nakalinya sa lugar.

Agad na inaresto ang suspek at iniimbestigahan na ng mga otoridad kung may kaugnayan sa terorismo ang naturang insidente.


Facebook Comments