Tangkang pag-pupuslit ng asukal sa bansa, pinapa-imbestigahan ni Congressman Castro

Iginiit ni House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Representative France Castro na masusing imbestigahan at maparusahan ang mga na sa likod ng tangkang pagpupuslit sa pamamagitan ng importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal sa bansa lalo pa at simula na muli ng paggapas ng tubo ngayon.

Sabi ni Castro, ang nabanggit na tangkang pagpapasok ng imported na sukal ay magpapadapa sa industriya ng asukal sa Pilipinas at lalong magpapahirap sa mga sakada.

Ayon kay Castro, kailangan ding malaman kung ang mga nasa likod ng pamemeke ng pirma ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ay nakikinabang sa malakihang importasyon ng asukal na labis sa ating kailangan.


Sabi ni Castro, mistulang mismong sa loob ng opisina ng Presidente ay mayroong nagaganap na mga kwestyonableng mga pirmahan.

Kasabay nito ay nanawagan si Castro sa publiko na lalong maging mapagmatyag sa mga transaksyon na ginagawa ng ating gobyerno lalo sa panahon ng krisis at milyong Pilipino ang naghihirap at nagugutom.

Facebook Comments