Itinanggi ni Senadora Leila De Lima ang mga balitang kumakalat na di-umano’y nagtangka itong magpakamatay sa kanyang selda sa PNP Custodial Center kahapon.
Sa isang pahayag ng senadora mula sa kanyang opisina, pinabulaanan nito ang nasabing balita at sinabing ginagamit lamang ito ng mga “tuta” ni Pangulong Duterte tulad ni House Speaker Pantalleon Alvarez para ikundisyon ang publiko na kahit malala na ang nangyayari sa kanya sa loob ng kulungan ay walang pananagutan dito ang kasalukuyang administrasyon.
Matatandaang nagpahayag si House Speaker Alvarez na imbes na sa PNP Custodial Center ay sa isang mental facility na lamang dalhin ang senadora.
Ani De Lima, hindi rin ito kumpiyansa na magiging ligtas siya loob na tinawag niyang “kulungan ni Duterte”, matapos ding marinig ang naging pahayag ni self –confessed Davao Death Squad team leader na si Arturo Lascañas na umano’y pagpapatay ni Pangulong Duterte na Mayor pa noon sa Davao City sa isang mamamahayag na si Jun Pala.
Kumalat pa sa social media na isinugod pa umano ang senadora sa ospital dahil sa kanyang tangkang pagpapakamatay.
Dadag pa ni De Lima, kung ito ay mamamatay sa loob ng piitan ay dahil ipinag-utos na ito ni Pangulong Duterte at muling iginiit wala siyang sakit at buo ang kanyang pag-iisip.