Pangulong Duterte, bukas na muli para sa peace talk sa CPPNDF

39

Bukas na muli si Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF.

 

Sa pagbisita sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan De Oro, sinabi ng Pangulo na dapat ay maging sincere na ang peacetalk.

 

Nagbigay rin ng ilang kundisyon ang Pangulo bago ituloy ang negosasyon gaya ng pagtigil sa pangongolekta ng revolutionary taxes, paghingi ng mga pabor at pagpapalaya sa mga bihag na pulis at sundalo.

 

Matatandaang ipinahinto ni Duterte ang peace talks matapos na atakihin ng mga rebelde ang militar sa kabila ng ipinatutupad nitong ceasefire habang isinasagawa ang usapang pangkapayapaan.

Facebook Comments