Tangkang pagpatay ng NPA sa mga opisyal ng NTF-ELCAC, napigilan ng mga otoridad sa Sta. Rosa, Laguna

Napigilan ng mga otoridad ang tangkang pagpatay ng New People’s Army (NPA) sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Laguna.

Ito ang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., makaraang mapatay ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulis ang 3 miyembro ng NPA Special Partisan Unit (SPARU) sa operasyon sa Buena Rosa Subdivision, Brgy. Macabling, Sta. Rosa City.

Batay sa ulat, isinilbi ng mga otoridad 5 arrest warrant para sa kasong murder at frustrated murder laban kay NPA leader Rommel Rizza alias Jomar/Bernie, ang commanding officer ng NPA Regional Special Operations Group sa Southern Tagalog, at miyembro ng executive committee ng Regional Party Committee.


Sa operasyon nagkaroon ng palitan ng putok at namatay si Rizza, at dalawang kasamahan nitong kinilalang sina alyas Ka Blue/Billy, ang Medic at Supply Officer; at alyas Ka Dean, ang intelligence officer ng grupo.

Nakuha sa mga ito ang isang M16 armalite rifle, 2 caliber .45 pistols, mga electronic devices at subersibong dokumento.

Ayon kay Esperon, ang misyon ng grupo ay patayin ang mga Spokesperson ng NTF-ELCAC na kinabibilangan ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy, Undersecretary Jonathan Malaya, Usec. Severo Catura, Usec. Joel Sy Egco; Asst. Secretary Celine Pialago; Atty. Marlon Bosantog at Gaye Florendo.

Facebook Comments