Taning sa paglalagay ng barrier sa mga motorsiklo para makapag angkas, pinalawig

Iniusog ng Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield ang July 19, 2020 deadline sa mga motorcycle riders para maka-comply sa paglalagay ng barrier sa kanilang motorsiklo para mai-angkas nila ang kanilang asawa o live in partner.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni JTF COVID-19 Shield chief Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na pinalawig nila ito hanggang July 26, 2020.

Ayon kay Eleazar, may basbas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nasabing extension upang bigyan pa ng sapat na panahon ang mga motor riders na maglagay ng barrier sa pagitan nila ng pasahero nang sa ganun ay iwas hawaan ng COVID-19.


Ibig sabihin, wala munang hulihan hanggang July 25, 2020.

Matatandaang pinayagan ang back ride dahil na rin sa kakulangan ng transportasyon bunsod ng limitadong kapasidad para masunod ang physical distancing.

Sa ngayon, dalawang disensyo ang inaprubahan ng task force, una dito ang disenyong gawa ni Governor Arthur Yap ng Bohol at ng Angkas.

Facebook Comments