Tanong sa latest SWS Survey kaugnay sa Extrajudicial Killings, mali ayon kay PNP Chief Albayalde

Kinuwestyon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang paraan ng ginawang pagtanong ng Social Weather Station kaugnay sa kanilang huling survey may kinalaman sa Extrajudicial Killings.

Sa survey na ginawa December 16 hanggang December 19 2018 lumabas na 78 percent o halos apat sa limang Filipino ang natatakot na mabiktima ng EJK sa harap na rin ng giyera kontra droga ng pamahalaan.

Ngunit ayon kay PNP Chief mali ang paraan ng pagtatanong ng survey.


Ang tanong sa survey ” Gaano po kayo nangangamba na kayo o sino mang kilala nyo ay maging biktima ng Extrajudicial Killings?

Para kay Albayalde mali ito dahil lahat naman daw ay takot, aniya pa sino raw ang hindi takot mamatay at hindi takot na mabiktima ng krimen.
Kaya naman nanawagan ang PNP Chief sa lahat ng survey form na huwag magpagamit sa anumang political agenda.

Facebook Comments