Taong 2023, inilarawang fulfilling year ng OPAPRU dahil sa pagkakaroon ng komprehensibong peace process ng bansa

Inilalarawan ng Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) na fulfilling year ang taong ito dahil sa pagkakaroon ng komprehensibong peace process ng bansa.

Sa pahayag ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., sinabi nitong isang mahalagang kaganapan sa history ng Pilipinas ang nakuhang comprehensive peace process na nakapaloob sa Five-Point Peace, Reconciliation and Unity agenda ng Marcos administration.

Ayon kay Galvez, ilan sa comprehensive Philippine peace process na ito ay ang Bangsamoro Peace Process kung saan sa ilalim nito ay naipasa ng Bangsamoro Parliament ang lima sa pito nitong priority codes na naglalayong paunlarin pa ang socioeconomic conditions ng mga taga BARRM.


Bahagi rin ng comprehensive peace process ay decommissioned ng mahigit 26,000 mga dating Islamic Liberation Front o MILF combatants.

Maging ang pagtatapos ng Armed conflict sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.

Nakabuo rin ang OPAPRU ng KAPATIRAN, Cordillera Peace Process ito ay ang pinagsamang rebolusyunaryong partido na tinutulungan ng pamahalaan para magkaroon nang mas maayos na pamumuhay.

Ayon pa kay Secretary Galvez, sa taong ito nagkaroon ng social healing, peace invesments at amnestiya para sa mga dating rebelde.

Facebook Comments