Malaking alokasyon para sa foreign trips ng pangulo, pinaburan ng ilang senador

Sangayon si Senator Sherwin Gatchalian sa malaking alokasyon para sa local at foreign trips ng Pangulo sa susunod na taon.

Para kay Gatchalian, ang Presidente ang pinakamahusay at pinakamabisa na Investor Relations Officer ng bansa.

Naniniwala ang senador na ang personal na pagtungo ng Pangulo sa mga bansang pinupuntahan nito ay nagbibigay ng malakas na signal na ang ating bansa ay bukas sa pagpasok ng mga negosyo o investment.


Aniya, nagkakaroon ng oportunidad ang mga head of states, fund managers at potential investors na makausap mismo ang Pangulo at mabigyan sila ng katiyakan na magiging maayos ang pagnenegosyo sa bansa.

Dagdag pa ni Gatchalian, mahalaga na kumilos ang mga kinauukulang departamento lalo na ang Department of Trade and Industry (DTI) para masusing mai-follow up ang mga ipinangakong investment sa mga bansang binisita ng Presidente.

Facebook Comments