Tinutugis ng mga pulis ang isang indibidwal na nakasuot ng kinatatakutang 17th-century plague doctor costume dahil pagala-gala raw ito sa Hellesdon, England.
Ayon sa ulat ng Telegraph, ilang beses daw namataan ng mga residente ang taong nakasuot ng mahabang kulay itim na damit at mayroong beak-like mask at itim na sumbrero.
Ilang mga tagaroon ang naglabas ng saloobin sa Facebook page ng komunidad dahil umano sa takot na dala ng hindi kilalang indibidwal.
Saad ng isang gym worker, “Kids would be frightened, my mum would be frightened. I know that, even in daylight, if she was to go round the corner and bump into him she would be so scared.”
Sabi naman ng isa pang residente, “Scared the life out of my missus. Terrifying for kids.”
Samantala, nakuhanan naman ni Jade Gosbell, 21, ang taong iyon habang naglalakad sa kanilang parke na mukhang isang “wacko”.
Dahil dito, nagpasya ang lokal na awrtoridad na hanapin ang indibidwal na ito para mabigyan umano ng payo at babala sa gitna ng coronavirus pandemic.
Kahit wala pa umanog paglabag na ginawa, patuloy nilang inaalam kung sino ang nasa likod nang naturang costume.
Samantala, pumutok noong 1665 ang “bubonic plague” isang epidemya na kumalat sa London at kumitil ng sangkapat ng populasyon ng lugar sa loob lamang ng ilang buwan.
Noon daw mga panahon na iyon, ang mga doktor na gumagamot sa mga pasyente ay nakasuot ng itim na mahabang damit at nakatakip ang mukha ng maskara na hugis tuka ng manok at itim na sumbrero.
Suot daw nila ang maskarang iyon bilang proteksyon mula sa naturang sakit.