TAPATAN | Del Potro, Djokovic pasok na sa U.S. Open Finals

16

Magtutuos sa 2018 U.S. Open finals sina Juan Martin Del Potro ng Argentina at Noval Djokovic ng Serbia.

Nakapasok sa finals si Del Potro matapos ang hindi inaasahang pagreretiro ni top seed Rafael Nadal sa kanilang semifinal match.

Lamang si Del Potro two sets to love nang umayaw si Nadal dahil sa pananakit ng kaniyang kanang tuhod.

Nagkampeon si Del Potro sa U.S. Open noong 2009 pero ngayon lang ulit ito nakapasok sa isang Grand Slam final.

Pasok din sa title match si Djokovic nang talunin niya si Kei Nishikori ng Japan 6-3, 6-4, 6-2.

Ito ang ikawalong pagkakataon na nakapasok sa finals ng U.S. Open si Djokovic. Dalawang beses nang nagkampeon sa torneo ang Serbian.

Facebook Comments