MISS GRAND INTERNATIONAL 2018 | Miss Paraguay Clara Sosa, hinimatay

174

Yangon, Myanmar – Hinimatay si Miss Paraguay Clara Sosa matapos ianunisyong siya ang nanalo bilang Miss Grand International 2018 na ginanap sa The One Entertainment Park sa Yangon, Myanmar.

Agad naman umalalay ang host ng pageant na si Xian Lim sa beauty queen kung saan nahimasmasan din si Sosa makaraan ang ilang segundo.


Hindi pa rin makapaniwala si Sosa nang ipinasa ni Miss Grand International 2017 Maria Jose Lora ang korona.

Itinanghal na runner-up sina Miss India Meenakshi Chaudhary, Miss Indonesia Nadia Purwoko, Miss Puerto Rico Nicole Colon at Miss Japan Haruka Oda.

Bigo naman ang pambato ng Pilipinas na si Eva Patalinjug na makapasok sa top 20 pero hinangaan ito ng mapanatili niya ang kaniyang composure ng ma-out of balance habang rumarampa.

Facebook Comments

From Advertisers