Manila, Philippines – Nanindigan si Argetinian Boxer Lucas Matthysse sa nauna niyang pahayag na siya ang makapagpaparetiro kay Pinoy Champ Manny Pacquiao.
Aniya, kayang-kaya niyang talunin si Pacquiao sa pamamagitan ng knockout.
Hindi rin daw siya nababahala kahit makuha pa ni Pacquiao ang pinakamagaling at pinakasikat na trainer.
Ang Pacquiao-Matthysse fight ay gaganapin sa Hulyo a-kinse sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Facebook Comments