Mas lalong pang mas hinigpitan ang seguridad at ang panonood ng mga media sa loob ng Wild Card Gym para sa pagsasanay ni Manny Pacquiao.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na heavy training ni Pacquiao para sa nakatakda nitong laban kay Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nilimitahan na din ang mga taong pwedeng pumasok sa Wild Card Gym at hindi na rin pinapahintulutan ang mga nakabukas na camera lalo na tuwing sparring sessions.
Kasama ni Pacquiao sa ensayo ang spar mate nitong Australian boxer na si George Kambosos Jr., at ang Chinese na si Liu Bin, na isa sa mga lalaban sa undercard fight.
Facebook Comments