TAPATANG PACQUIAO-MATTHYSSE | Sen. Manny Pacquiao, nasa Malaysia na para sa laban nila ni Lucas Matthysse

Malaysia – Nasa Malaysia na ngayon si Eight-Division Boxing World Champion Manny “Pacman” Pacquiao para sa laban nila ni Argentinian Lucas Matthysse.

Ayon kay Pacman, naging maayos ang kanilang byahe.

Kasamang dumating ni Pacman kaniyang mga kaanak, kabigan at mga taga-suprota.


Nandoon rin ang kaniyang asawang si Jinkee maging ang kanilang limang anak.

Kasabay nito, nagpasalamat naman ni Pacquiao sa suporta ng Malaysian government.

Magaganap ang tapatang Pacquiao at Matthysse para sa WBA Welterweight sa Linggo, July 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Facebook Comments