TRAHEDYA SA DAGAT | Isa patay sa pagtaob ng bangka sa Antique

Antique – Patay ang isang lalaki matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Barangay Ipil, Belison, Antique.

Dead on arrival sa Angel Salazar Memorial District Hospital ang biktimang si Edgar Bandiola, 52-anyos habang nakaligtas naman ang misis nitong si Emelita.

Tumaob ang bangkang sinasakyan ng mag-asawa nang hampasin ng malalaking alon bunsod ng masamang lagay ng panahon sa isla ng Panay dala ng habagat na pinag-ibayo ng bagyong Gardo.


Facebook Comments