Manila, Philippines – Binasag na rin ni dating Vice President Jejomar Binay ang katahimikan akung saan sa kauna unahang pagkakataon ay nagsalita ito kaugnay sa kasong kudeta at pagkuwestiyon sa Amnesty laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Binay na bilang abogado niliwanaw nito na sa sandaling maging final and Executory na ang desisyon ng korte ay hindi na iyon maaaring baguhin.
Paliwanag pa ni Binay, matagal ng natapos ang kaso laban kay Trillanes at pinayagan na rin aniya si Trillanes na makatakbo sa halalan at ilang beses na ring nanalo.
Hinggil naman sa namagitang sigalot sa kanila ni Trillanes lalo na noong siya ay isalang sa pagdinig kaugnay sa mga sinasabing anomalya, sinabi ni Binay na matagal na niyang napatawad ang lahat ng mga sumira sa kanyang pagkatao.