Posibleng magkaroon ng bawas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Hunyo dahil sa pagbagsak ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay South Pacific Inc. President at Chief Executive Officer Jun Golingay, nasa 90 US dollar kada metriko tonelada ang ibinagsak ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado o katumbas ng P5.20 kada kilo.
Gayunman, may 10 araw pa aniya bago lumabas ang final contract price.
Samantala, nakatakda namang magpulong ang Department of Energy (DOE) at Philippine Competition Commission (PCC) para maplantsa ang “unbundling” o paghimay sa presyuhan ng petrolyo.
Sa pagtaya ni Energy Secretary Alfonso Cusi, matatapos ang konsultasyon hinggil sa unbundling sa katapusan ng Mayo.
Facebook Comments