Tapyas sa 2025 budget ng DepEd, idinepensa ng mga kongresista

Mahina ang paggastos ng Department of Education o DepEd sa pondong nakalaan para sa mga programa nito kaya minabuti ng Kongreso na tapyasan ang pondo nito para sa 2025.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun, sa ilalim ng nagdaang kalihim ng DepEd ay lumitaw ang pagka-antala ng procurement at pagpapatupad ng transparency sa paggastos ng ahensya.

Binigyang diin naman ni Deputy Majority Leader at Rep. Jude Acidre na pinag-aralang mabuti ang pagbawas sa budget ng DepEd na ibinatay sa kapasidad nitong gumastos at magpatupad ng programa.

Iginiit nina Khonghun at Acidre na ang sektor ng edukasyon pa rin ang may pinakamalakin pondo sa ilalim ng 2025 national budget kung pagsasamahin ang alokasyon sa DepEd, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Commission on Higher Education (CHED).

Facebook Comments