Target date na October 31 para mabakunahan ang buong adult population sa bansa, imposible ayon sa isang senador

Tinawag na ambisyoso ni Senator Panfilo Lacson ang naunang projection ng pamahalaan na pagdating ng Oktubre 31 ay bakunado na ang adult population sa buong bansa.

Ayon kay Lacson, batay sa report ng Department of Health (DOH) as of September 7 ay 36.2 million doses na ang naibakuna.

Pero kailangan pa aniyang maibakuna ang 195 million doses.


Para naman kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez, ang problema ay hindi sa pondo kundi sa kakayanan ng mga pharmaceutical company na mag-deliver ng bakuna.

Kulang din ang supply hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ASEAN countries.

Pero paglilinaw ni Dominguez, sa 195 million doses, 24.5 million ay mula sa private sector.

Facebook Comments